Saturday, 30 October 2010

TUBIG: ulan at halumigmig

Iyan ang mga pangunahing elemento na nagbibigay katangian sa klima ng Bicol sa mga panahon ngayon. Madalas ang pag-ulan na tila balde-baldeng tubig ang ibinubuhos mula sa langit. Di magtatagal ay tatahimik, mauubos, titigil, marahil ay iigib, at di magtatagal ay bubuhos na namang muli. May mga araw namang mainit at medyo matagal ang pagsilip ng araw na tinatanaw ang mga nagbibilad ng palay, nagpapatuyo ng sinampay, ng daing at mga mangingisdang payapang makakapagpalaot. Subalit makalipas ang ilang araw ay babalik na namang muli ang tagabuhos ng balde-baldeng tubig. Pero, buti na lang at walang malakas na bagyo na humagupit sa Bicol ngayong taon, wala pa. Sana wala na nga.

Kaya naman ang ilang halamang aking naitanim ay halos malunod sa tubig. Pinili ko lamang ang matataas na lugar upang mapagtaniman subalit hindi ko pa alam kung gaano talaga karami at kadalas ang ulan ngayong mga susunod na mga buwan. Ang mga naitanim kong okra, kalabasa, sitaw, luya, mani, upo, ampalaya, pepino, at mais ay nasa raised mounds, may harang na bato ang ilan at gumamit ako ng mga dahon ng akasya (ang tanging meron ako sa kasalukuyan) bilang mulch. Nagpunla na rin ako ng mustasa at pechay. Ang luya at mani galing sa palengke ay akin na ring ibinaon. Kung malalampasan nila ang sobrang pagkabasa, limitadong sikat ng araw, at mga sakit na maaaring dala ng ganitong kondisyon, mabuti. Kung hindi pasensya. Ito ay magiging aking aral, at itatala ko sa aking magiging kalendaryo ng pagtatanim. Bagamat may kinonsulata akong kalendaryo, gusto ko ring (magkamali muna) malaman batay sa aking karanasan ang tamang kalendaryo ng pagtatanim sa Pilipinas.


Thursday, 28 October 2010

Ikatlong Yugto

Balik sa ugat, balik sa puno, balik sa aking pinanggalingan.

Magdadalwang buwan na mula nang ako ay dumating sa Pilipinas. Bitbit ang ang pag-asang may magandang kabanatang kinakaharap, bitbit din si Grigia na sana ay ganun din ang pananaw sa magigi niyang sunod na tahanan kahit na mainit ang klima, maingay at wala pang permanenteng bahay.

Malaking hakbang ang aking tinahak, na matagal na rin naming nakatakda kaya may trabaho na ring aaruga sa akin (at kay Grigia) samantalang naghihitay na makapiglas ang aking mahal sa kaniyang mga obligasyon sa Italia.

Sabak agad sa trabahong NGO nang ako ay bumalik ng Pilipinas. Ito ang namiss ko, at mukhang sa ganitong trabaho talaga ako nahubog, dito ako hiyang, ika nga. Maliban sa ganitong trabaho, buhay probinsya rin ang gusto ko. Sa probinsya kung saan may mabibili pang sariwang gulay at isda sa palengke na inani o hinuli lang sa kalapit na mga baryo. Kung saan mahalaga pa ang pakikipagkaibigan sa mga kapitbahay at kahit mga tindera, o mga empleyado sa munisipyo ay madaling maging kaibigan. At higit sa lahat, sa lugar kung saan may espasyo rin para sa paggagarden.

Laking tuwa ko nang makita ko ang bakuran ng aming opis-bahay. Malawak, may bakod at mukhang mataba ang lupa! Ayos! Pero lumipas muna ang mahigit isang buwan bago ko man lang nabungkal ang lupa at makapagtanim ng ilang binhi dahil nga sa dami ng hinarap kong trabaho. Sabi ko lang sa bakuran, “may oras ka rin!”

Wednesday, 16 June 2010

Grown-up Babies

Some of my vegetables as of June 15:  artichokes, tomatoes, and onions.


Sunday, 13 June 2010

Some Harvest

I got five fave, five strawberries, some cime di rapa, two zucchini and fiori (flowers) di zucchine.

I have dipped the zucchine flowers (similar to squash flowers) in a mixture of beaten egg, flour, gawgaw (maize flour) and some milk then deep fried.

The strawberries went straight to my mouth.

The cime di rapa I sauteed with garlic, eaten at lunch. A bit hard though. They should be harvested and eaten with the flowers still as buds, together with the tender leaves and shoots.

The fave I will eat together with pecorino cheese at dinner .

The two zucchini I will make into soup: sauteed in garlic and olive oil, plus broth, plus basilico, salt, pepper.

Buon'appetito!

Wednesday, 19 May 2010

Balag ng Kamatis




Ipinagtatayo ng balag ang mga halaman ng kamatis dito sa Italia. Mahaba o mataas ang karaniwang katawan ng kamatis na umaabot ng mahigit isang metro. Kung hahayaan lang ang halaman ay gagapang ito sa lupa, at kapag nasa lupa ay maaaring hindi makatanggap ng sapat na init at liwanag ng araw ang mga bunga nito. Maliban dito, maaari ring maakit ang maraming insekto at amag na bubulok sa halaman. Habang tumataas ang halaman, ang mga sanga nito ay itatali sa kawayan.

Friday, 14 May 2010

Mulch Works!



Had I laid enough mulch, less or no grass at all would have invaded the spaces between my onion plants.

Slugs

A quick tour in my vegetable garden this afternoon gave me the chance to observe some tiny slugs (about 5mm) devouring the tender leaves of my carrot plants. And they eat only the carrot leaves(!) ignoring the grass which has grown prolific next to the carrots. A very humid and rainy week with temperatures ranging from 10°-20°C has given life to many organisms in the garden, including them. Maybe I would have discovered other pests around have I stayed longer.




Slugs are gastropod mollusks without the shell (hubad na atol o islĂ g?)They like humid environments and appreciate most the tender shoots of many plants. As a gardener though who expects to benefit from the culture of these vegetables, I would like to eliminate some of them, before they wipe out my future meals(!). I should try to set some beer traps (they are drunkards!), or mock beer traps because they like the smell of malt yeast. Or, I can opt to use diatomaceous earth (a powder of silicon origin) also used in the disinfestations of animal fleas and seed devouring insects, or crushed eggshells or coffee grounds, all of which function because they can stick and wound the slug's slimy body.

Thursday, 13 May 2010

Salad

An unusually rainy spring has produced early plenty of salad leaves. Salads are very nutritious and very easy to prepare - just wash them thoroughly, add carrots, carciofi, olives, also cheese, tuna... anything!!... dress with the classic olive oil, vinegar, salt and pepper, and the meal is served! Spring time is always a busy period and a quick but delicious meal is all we need.

Sunday, 2 May 2010

Some Vegetable Plants

Some of my vegetables: a mix of salads, fava (Vicia faba), carciofo (Cynara cardunculus), patata (Solanum tuberosum), cipolla (Allium cepa), and sedano (Apium graveolens).





I have mulched the ground with grass cut nearby, and also with dried leaves. The mulch keeps the ground moist, discourage growth of weeds, prevent soil erosion and compaction, and will eventually enrich the soil when decomposed.

Compost Pile

I pile leaves, small branches and cut grass. I need not put them inside a bin since they are not "humid" wastes that attract flies. Whenever I need some rich soil for my flower pots, I just gather them from under the pile (or get them from under the compost bin). I do the same thing at the start of the planting season, in spring, if I need them.
I also ask my neighbors to pile their organic, non-humid wastes on my compost pile. They ask me a lot of questions and perhaps find my gardening techniques strange. I don't mind at all. For the moment they do all the contrary of my domestic waste management. This only confirm my theory that not all people born and raised amongst farmers know the importance of organic matter. I just hope that someday they get to understand what organic farming is.

Sunday, 25 April 2010

Compost Bin Design


Our compost bin is not perfect. It may not even have the right basic qualities given other conditions. In any case, based on my experience, I have come up with a better design.

The use of screen, drawable door in front and access on top fit my needs. The screen protects the contents from insects’ entry and exit but then it must be strong enough or easy enough to repair against rodents' damage. Also, the bin must be placed in an area where there is enough space for the passage of my garden helper and companion, Nina my cat, to discourage the intervention of rodents. She loves any yummy resisting little beasts that she would spend hours and hours hunting along the stone wall and near the compost bin.

About the top cover, although in our climate condition here in Italy it still is not yet rotten after eight years,  though a little weak now, I am sure in humid and rainy places it will not last for even a year. It must better be made of an impermeable cover, perhaps of plastic or metal sheet, and inclined to drain down water. The contents of the bin must not be soaked with water.










I used to throw all kitchen wastes into the bin including bones and shells. I know that it takes a very very long time before they get decomposed. I know that I should better collect them, dry and pound them into powder and mix with my garden soil. This way, I put them back to the soil, being rich in calcium.



There are plenty of other designs of compost bins. This depends on what material is available, how much time one is disposed to spend into composting, space available, and climatical conditions. For example, some use round barrels so the contents can be turned easily by just rolling the barrel on the ground. But then there should be a system to avoid the contents from spilling out and allowing enough aeriation at least when it is not in motion. I any case, I don’t think one must spend money in making a compost box, if not, very minimal. There should always be some material in one’s backyard and some creativity in one’s head and hands to make one.

My Compost Bin

At home, we segregate our wastes. Papers and cartons in one container; bottles and plastics in another; plastic bags, etc. in another, and the kitchen waste or organic wastes in another. Our kitchen waste goes to the compost bin. All the others go to their corresponding container in the waste deposit station about 3 km down the road which in turn go to the recycling deposits of the province. I can also make use of the papers and cartons as mulch or compost materials but I since I have a lot of other organic materials for the moment, I don’t do it. I few years back I recycled back the papers to…paper… then tinamad na ako, got fed up.

My husband made our compost bin when I started to garden about eight years ago. Since my husband do some carpentry work and has a well furnished workshop, making it was quick. It is basically made of wood, screens and a metal frame. This morning, I have started to turn the contents: those under went on top, then I have layered them with some leaves and grass. I had to do it sometime ago. It was decomposing anaerobically – napupupos, naghihingalo, not breathing well enough, so the result was muck and bad smell. I found plenty of busy and healthy grubs. I threw some of them for the birds to feed on them. If I have chickens nearby I’m sure they’ll get crazy.



I harvest the compost when they are ready, and when I am ready, too. Maybe I did it twice? I can’t really remember. For me the compost was my way of taking care a portion of my waste. Why bother others when I can manage it? It is my humble contribution to the government in lessening the volume of waste in their deposit. It is also my way of giving back to my nearby environment, that is my vegetable garden, organic materials that I have. Composting avoids pollution and contributes to soil build-up which in turn give nutrients to my vegetables which we eat. Nice cycle, isn’t it?


Saturday, 24 April 2010

IKALAWANG YUGTO

Makalipas ang halos isang taon, nais kong bigyan ng bagong mukha ang blog kong ito. Una, aking bibigyang diin ang aking mga gawain sa aking garden at aking buhay-baryo saan man ako nakatira. Kaugnay nito, ang dating pamagat nitong Anakin ay pinalitan ko ng Buhay Bukid na siya ring magiging link o blog address. Pangalawa, magiging maluwag ako sa paggamit ng lingwahe.

Thursday, 18 February 2010

Kumusta Mga Kaibigan, Okay Ba Kayo Riyan...

Ang nakalipas na tatlong buwan ay ginugol ko sa pagbisita sa Pilipinas, pagbalik sa malamig na Italia, pagbabalik sa dating trabaho, at pagsisimula ng isa pang bagong trabaho. Maganda ang ending ng aking 2009, at maganda na rin ang simula ng 2010.

Sa Pilipinas ay nakasama kong muli ang aking pamilya, bagamat wala na si Tatay, habang nakita ang mga magagandang lugar at nakakain ng masasarap na pagkaing atin. Wala nga lang akong pagkakataong makitang muli ang ilan kong matatalik na kaibigan. Gayunpaman, marami pang pagkakataon para sila ay muling makapiling. Habang nandon ay sinamantala kong makakakain ng mga masasarap na prutas: mangga, papaya, bayabas, abokado; ang mga paborito kong putahe: ginataang langka, hipon sa lahat ng luto at anyo, isda sa lahat ng luto at anyo; sari-saring gulay; masarap na kanin, at marami pang iba.

Nabisita ko rin ang probinsyang nasa dulong itaas at dulong ibaba ng bansa. Nakita ko ang malawak na probinsya ng Isabela, ang kanyang kalbong gubat, malalapad na ilog, ginuhong gilid ng bundok, malapad na taniman ng mais, ng maraming payat na baka, tatlong trak na may lulan ng mga troso (nakatigil sa sentro ng isang bayan-na-check-point?), at ang mapulitikang agawan ng trono sa kapitolyo. Samantala sa syudad ng Dabaw, hindi ako nakarinig ng ni-isang paputok nuong kapaskuhan. Nakita ko ang masiglang jambolero isang gabi sa Bangkerohan. Ang napakarami at sari-saring produkto, at murang-mura pa. Nakita ko ang napakaraming ukay-ukay maging sa gabi, ang mga bagong gusali at tindahan, at mga kalsadang napupuno na rin ng trapik. Nakita ko rin ang mga agila sa Malagos, iba't-ibang ibon at hayop, ang parko sa Toril, puting buhangin sa Samal. At sa aking munting bayan, ganun pa rin, halos dati pa rin. Ang naiba lang yata ay ang mga mukhang hindi ko na kilala, o baka ako ang hindi nila kilala (?).

Sa aking pagbabalik sa Italia, sinalubong ako ng lamig, hindi lang ng klima maging ang kalagayang pang-ekonomiya at pulitika nito. Marami ang nagsasarang pabrika kaya rali dito rali doon at natuto sila ng bagong estilo mula sa mga Pranses: kinikidnap ang boss o sinumang nakatataas ng kumpanya. Bakit daw kailangang magsara ang malalaking pabrika tulad ng Fiat at inililipat sa ibang bansa?(Maging sa Pilipinas ay nangyayari ito.) Meron pa kayang may kakayanang bumili ng kotse? Sa larangan naman ng pulitika, palubog nang palubog ang kalagayan nito. Maraming kaso ng razzismo, ang kurikulomn edukasyon ay pumapayat nang pumapayat (gusto yatang gawin na lang mga artista at artista-kuno ang mga estudyante o di kaya ay manlalaro ng futbol), at ang mga nasa administrasyon ay iginigiit ang mga batas na pabor lamang sa kanila.

Nitong mga nakaraang Linggo ay nakakwentuhan ko rin ang ilang Pinay dito sa Italia. Mayroong patuloy pa rin sa dating gawi lalo na iyong ang mga trabaho ay nakabatay sa mayayamang Italianong kayang magbayad ng kasambahay. (Ang kanilang mga amo ay hindi pa apektado ng krisis.) Meron din namang gusto nang magbalikbayan sa Pilipinas, na bagamat hindi nagkaroon ng pagkakataong makaipon ng maraming pera ay marami namang naipong kaalaman at karanasan. At ano naman kaya ang kanilang kahahantungan sa Pilipinas na ngayon ay malapit na naman ang eleksyon?

Mabuti na lang at ako ay busy at ako ay isang maliit lamang na nilalang pero hindi ako mahiwalay sa realdad ng aking paligid lalo't ang negosyo ng aking asawa ay isa sa apektado ng pandaigdigang krisis ng ekonomiya. Anu't-ano pa man, patuloy pa rin, patuloy pa rin...kung paano lang tayo, ako, sasabay sa pagtakbo ng panahon...sabi nga ng aking asawa, tieni duro, tyaga.