Wednesday, 19 May 2010

Balag ng Kamatis




Ipinagtatayo ng balag ang mga halaman ng kamatis dito sa Italia. Mahaba o mataas ang karaniwang katawan ng kamatis na umaabot ng mahigit isang metro. Kung hahayaan lang ang halaman ay gagapang ito sa lupa, at kapag nasa lupa ay maaaring hindi makatanggap ng sapat na init at liwanag ng araw ang mga bunga nito. Maliban dito, maaari ring maakit ang maraming insekto at amag na bubulok sa halaman. Habang tumataas ang halaman, ang mga sanga nito ay itatali sa kawayan.

No comments:

Post a Comment