Balik sa ugat, balik sa puno, balik sa aking pinanggalingan.
Magdadalwang buwan na mula nang ako ay dumating sa Pilipinas. Bitbit ang ang pag-asang may magandang kabanatang kinakaharap, bitbit din si Grigia na sana ay ganun din ang pananaw sa magigi niyang sunod na tahanan kahit na mainit ang klima, maingay at wala pang permanenteng bahay.
Malaking hakbang ang aking tinahak, na matagal na rin naming nakatakda kaya may trabaho na ring aaruga sa akin (at kay Grigia) samantalang naghihitay na makapiglas ang aking mahal sa kaniyang mga obligasyon sa Italia.
Sabak agad sa trabahong NGO nang ako ay bumalik ng Pilipinas. Ito ang namiss ko, at mukhang sa ganitong trabaho talaga ako nahubog, dito ako hiyang, ika nga. Maliban sa ganitong trabaho, buhay probinsya rin ang gusto ko. Sa probinsya kung saan may mabibili pang sariwang gulay at isda sa palengke na inani o hinuli lang sa kalapit na mga baryo. Kung saan mahalaga pa ang pakikipagkaibigan sa mga kapitbahay at kahit mga tindera, o mga empleyado sa munisipyo ay madaling maging kaibigan. At higit sa lahat, sa lugar kung saan may espasyo rin para sa paggagarden.
Laking tuwa ko nang makita ko ang bakuran ng aming opis-bahay. Malawak, may bakod at mukhang mataba ang lupa! Ayos! Pero lumipas muna ang mahigit isang buwan bago ko man lang nabungkal ang lupa at makapagtanim ng ilang binhi dahil nga sa dami ng hinarap kong trabaho. Sabi ko lang sa bakuran, “may oras ka rin!”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sa wakas! Nakakatindig-balahibo naman ang kuwento mo...naiinggit tuloy ako sa iyong magiging garden sa iyong malawak at matabang lupa. :)
ReplyDelete