Iyan ang tanong sa aking ng isang Pilipinang kahera ng supermarket. Napangiti ako dahil alam ko ang ibig sabihin ng tanong na iyon. Sa halip na sumagot ng oo o hindi, sabi ko ay katatapos ko lang mag-vendemmia kahapon kaya wala akong trabaho, (kawawang) disoccupato at di magtatagal ay (mapalad) bibisita sa atin. Totoo naman ang sagot ko sa tanong niya pero totoo, day-off ko nga rin kahapon. Kahapon ay pumunta ako sa città o sa bayan upang mamili sa mercato o lingguhang tiangge, bagay na hindi ko magagawa habang may trabaho. Parte ng kinita ko (bagamat hindi ko pa natatanggap) ay aking ginastos kahapon at binigyan ko rin ang sarili ko ng pagkakataong malibang mula sa mabigat na trabaho ng campagna o bukid. Kung nasa Pilipinas ang eksena, kahapon ay parang isang Linggo; ang sentro ng bayan, sa plaza, sa palengke, sa karenderiya at maging tabi ng kalsada ay makikita ang mga taga-baryo na naka-isputing. Isa ako sa mga tagabaryo na nagpabayan, yun nga lang hindi ako nakaisputing. Sa halip na karaniwang collaboratricce domestica, ako ay isang operaio o trabahador sa bukid.
Palibhasa sikat ang mga Pilipino bilang kasambahay ng mga Italiano, iyon agad ang tanong sa aking ni Binibining Kahera, maswerteng kahera dahil ang trabahong katulad niya ay pangmatagalan at kakaunti pa lang ang Pilipinong naabot ang gayong antas. Ipinagmamalaki ko ang mga Pilipinong nagtatrabaho, sa alin mang sektore dito sa Italia, iyon nga lang, hanggang ngayon ay medyo naaalangan ako pagnai-stereotype. Kumpara sa ibang lahi o nasyonalidad ng mga migrante, pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino, wala halos problema maliban sa paminsanminsang nahulihan ng shabu, ng manok na pangsabong, o awayan, o agawan ng asawa(?)
Thursday, 22 October 2009
Vendemmia
Naki-vendemmia ako ngayong taon. Lahat kaming mga vendemmiatori ay humigit kumulang 8 dito sa asyenda na gumagawa ng red wine, at kung saan kami ay nakatira. Ang halaga at abala ng vendemmia ay katumbas ng
paggagapas ng hinog nang mga palay sa atin. Ang vigna (vineyard) na may laking 11 ektarya ay aming inanihan sa loob ng pitong araw at katatapos lang namin noong isang araw.
Upang malaman kung hinog na ang mga ubas at tawagin ang mga vendemmiatori, sinusukat muna ang tamis nito sa pamamagitan ng mostometro o hydrometer.
Sinusukat ng instrumentobg ito ang density ng katas ng ubas sa kanyang angking temperatura. May kasamang interpretation table ang instrumentong ito na tinatawag na Brix Table (kung di ako nagkakamali). Ang hinog na ubas ay may 11° ang sukat. Ang tamis, o dami ng asukal ng katas ng ubas ay magiging alkohol kapag dumaan sa proseso ng fermentation. Kung gayon, ang tamis ang siyang unang batayan kung ano ang inaasahang kalidad ng vino(alak).
Nagsimula kami ng vendemmia halos kalahatian na ng Oktobre, huli’ na sa karaniwan. May ilang nagsasabing hindi raw angkop ang ubas sa lugar namin. Ang mga kaibigang nakatira sa malapit ay nag-aalala, “Bakit hindi pa nag-aani?! Hindi na yan mahihinog! Malamig na! Kahit patagalin pa hanggang pasko, hindi na yan mahihinog! Delikado na ang panahon, uulan na! Dapat olives na lang ang tinanim!” At kung ano-ano pang pag-aalala. Naalala ko tuloy ang mga magsasaka sa atin, ganito rin ang reaksyon kapag mayroon sa kanilang kalapit na hindi sumasabay o hindi pumapareho sa gawain ng karamihan. Huli' nga kami sa karamihan, dahil hindi pa sapat ang tamis ng ubas, ba't nga naman pipiliting anihin ang hilaw?
Huli’ man ang simula ng aming pagbe-vendemmia, tamang tama namang natapos kami bago dumating ang ulan. Ang buwan ng Oktobre ay totoo ngang pabagobago ang panahon; maaaring lumamig nang bigla o umulan ng ilang araw, tulad nga ng nararanasan namin ngayong araw habang ako ay nagsusulat.
Ang gawain ng nag-aani ay gupitin ang mga grappolo ng ubas at ilalagak ito sa isang kaha. Ang napunong kaha ay iiwan sa pila ng mga ubas at ito ay isasalin naman sa trailer ng traktora na siyang maghahatid sa pagawaan ng vino na tinatawag na tinaia o cantina. Sa lugar na ito, isasalin ng traktora ang inaning mga ubas sa isang lalagyan kung saan hinihiwalay ang mga tangkay ng ubas sa laman nito. Sasalain ang
katas na siya namang isasalin sa malalaking metal container. Sa container na ito maya’t-maya susukatin ng tamis ng katas dahil sadyang magpe-ferment (o aasim) at iinit ito. May batayang mga sukat ang vinologo at mga katulong niya. Di magtatagal, ang katas sa container ay isasalin sa mga barik na kahoy (barrel). Ang bata pa o bagong vino ay maaari nang inumin sa primavera (spring) o makalipas ang humigit kumulang anim na buwan. May ilang uri ng vino na pinatatanda muna bago isalin sa mga bote, batay na rin sa inaakalang magiging kalidad nito. Ang edad, lalagyan at kapaligiran ay maaari pa ring magtalaga sa magiging kalidad ng vino habang ito ay nasa cantina. 
Ang pinakamaraming uri ng ubas na aming inani ay sangiovese at cabernet. May kaunti ring lancelotto at cannaiolo. Ang bawat zona sa Italia ay may kanikaniyang uri ng ubas na dapat itanim kung nais nitong sumunod sa mga batas ng produksyon ng vino. Ito ay batay din sa akmang klima ng lugar. Marahil ay aabutin ng libo ang uri ng vino na ginagawa sa Italia.
Magkano ang isang bote (0.75litro) ng red wine? Depende sa maraming batayan. Ang pinakamurang mabibili sa isang karaniwang supermarket na nakita ko ay mga 5euro at ang pinakamahal naman ay maaaring umabot kahit 40 euro. Dito sa hasyenda, ang pinakamurang uri ay 12 euro ang isang bote.
Nagsimula kami ng vendemmia halos kalahatian na ng Oktobre, huli’ na sa karaniwan. May ilang nagsasabing hindi raw angkop ang ubas sa lugar namin. Ang mga kaibigang nakatira sa malapit ay nag-aalala, “Bakit hindi pa nag-aani?! Hindi na yan mahihinog! Malamig na! Kahit patagalin pa hanggang pasko, hindi na yan mahihinog! Delikado na ang panahon, uulan na! Dapat olives na lang ang tinanim!” At kung ano-ano pang pag-aalala. Naalala ko tuloy ang mga magsasaka sa atin, ganito rin ang reaksyon kapag mayroon sa kanilang kalapit na hindi sumasabay o hindi pumapareho sa gawain ng karamihan. Huli' nga kami sa karamihan, dahil hindi pa sapat ang tamis ng ubas, ba't nga naman pipiliting anihin ang hilaw?
Huli’ man ang simula ng aming pagbe-vendemmia, tamang tama namang natapos kami bago dumating ang ulan. Ang buwan ng Oktobre ay totoo ngang pabagobago ang panahon; maaaring lumamig nang bigla o umulan ng ilang araw, tulad nga ng nararanasan namin ngayong araw habang ako ay nagsusulat.
Ang gawain ng nag-aani ay gupitin ang mga grappolo ng ubas at ilalagak ito sa isang kaha. Ang napunong kaha ay iiwan sa pila ng mga ubas at ito ay isasalin naman sa trailer ng traktora na siyang maghahatid sa pagawaan ng vino na tinatawag na tinaia o cantina. Sa lugar na ito, isasalin ng traktora ang inaning mga ubas sa isang lalagyan kung saan hinihiwalay ang mga tangkay ng ubas sa laman nito. Sasalain ang
Ang pinakamaraming uri ng ubas na aming inani ay sangiovese at cabernet. May kaunti ring lancelotto at cannaiolo. Ang bawat zona sa Italia ay may kanikaniyang uri ng ubas na dapat itanim kung nais nitong sumunod sa mga batas ng produksyon ng vino. Ito ay batay din sa akmang klima ng lugar. Marahil ay aabutin ng libo ang uri ng vino na ginagawa sa Italia.
Magkano ang isang bote (0.75litro) ng red wine? Depende sa maraming batayan. Ang pinakamurang mabibili sa isang karaniwang supermarket na nakita ko ay mga 5euro at ang pinakamahal naman ay maaaring umabot kahit 40 euro. Dito sa hasyenda, ang pinakamurang uri ay 12 euro ang isang bote.
Tuesday, 6 October 2009
Fog
FOG. Hanggang ngayon ay hindi ko pa natutuklasan kung ano ang salitang Tagalog sa ulap. Ulop daw, ayon sa isang on-line dictionary. Hindi ako kumbinsido. Marahil, kailangang pumunta ako sa mga lugar na madalas may "pag" at doon ay magtanong-tanong. Nagtataka naman ako kung bakit "pag" ang tawag ng napagtanungan ko minsan sa isang taga-Baguio. Marahil di lang nya alam, pero sigurado ako, merong salitang angkop dahil ang "pag" ay nararanasan din sa atin; minsan kapag nag-aagawan ang liwanag at dilim sa umaga man o gabi; o di kaya ay pagkatapos ng ulan lalo na sa lugar na makapal ang mga punongkahoy at halaman.
Mag-imbento na lang kaya ako. Pagsamahin ang mga salitang "ulap", "hamog", "ulan", "ambon"...Ano kaya, hmm. Palibhasa ang fog ay ang "hamog sa hangin", o "magaang ambon", o "ulang nakalutang" o "mababa at magaspang na ulap" na sa pagkakataong ito ay hindi halos makita ang kapaligiran...ULAPMOG?(Litrato: Mula sa isang postcard,
Nebbia sa Val d'Orcia")
Thursday, 27 August 2009
Orto-ortino
(Orto-ortohan)

Sa isang pasò ay nagtanim ako ng kamatis at ito ay aking ipinuwesto sa may bungad ng hagdanan paakyat sa aming apartamento. Sabi ko, doon, siguradong hindi ko ito makakalimutang diligin. Natatawa ang aking mga kapitbahay dahil ngayon lang daw sila nakakita ng kamatis sa pasò. Marahil ay espesyal daw ang binhi kaya doon ko ipinunla. Espesyal nga dahil ayaw kong sayangin, dahil nais kong maalagang mabuti. Karaniwan kasi, kapag
doon sa tunay na orto ako nagtanim ng mga gulay na pang-summer, may mga pagkakataong hindi ko nadidilig, di namumungang mabuti at namamatay. Nang makita nilang nagbunga, at ngayon ay nahinog ang pinakaunang bunga ng kamatis na ito, sabi nila, "però!" na maaaring isalin sa, "oo ka ano."

Cuore di bue ang uri ng kamatis na aking ipinunla na ibig sabihin ay "puso ng baka" dahil nga naman ito ay lumalaki na parang, yun na nga, puso ng baka, at maging ang hugis nito ay kahawig nito. Ang uri na ito ay masarap na pang-salad.

Maliban sa kamatis ay nagpunla rin ako ng erba cipollina, parsley at basil sa mga paso.Tuwing nagluluto ako, malapit lang ang pitasan ko ng kailangan kong pampalasa. At malapit dito ay madalas na may bantay na mabagsik na guardia!

(Orto-ortohan)
Sa isang pasò ay nagtanim ako ng kamatis at ito ay aking ipinuwesto sa may bungad ng hagdanan paakyat sa aming apartamento. Sabi ko, doon, siguradong hindi ko ito makakalimutang diligin. Natatawa ang aking mga kapitbahay dahil ngayon lang daw sila nakakita ng kamatis sa pasò. Marahil ay espesyal daw ang binhi kaya doon ko ipinunla. Espesyal nga dahil ayaw kong sayangin, dahil nais kong maalagang mabuti. Karaniwan kasi, kapag
doon sa tunay na orto ako nagtanim ng mga gulay na pang-summer, may mga pagkakataong hindi ko nadidilig, di namumungang mabuti at namamatay. Nang makita nilang nagbunga, at ngayon ay nahinog ang pinakaunang bunga ng kamatis na ito, sabi nila, "però!" na maaaring isalin sa, "oo ka ano."Cuore di bue ang uri ng kamatis na aking ipinunla na ibig sabihin ay "puso ng baka" dahil nga naman ito ay lumalaki na parang, yun na nga, puso ng baka, at maging ang hugis nito ay kahawig nito. Ang uri na ito ay masarap na pang-salad.

Maliban sa kamatis ay nagpunla rin ako ng erba cipollina, parsley at basil sa mga paso.Tuwing nagluluto ako, malapit lang ang pitasan ko ng kailangan kong pampalasa. At malapit dito ay madalas na may bantay na mabagsik na guardia!

Sunday, 16 August 2009
Ferragosto
Halos kasalanan ang magtrabaho tuwing Ferragosto. Dapat magrelaks, pumunta sa beach o bundok, mamasyal, makipagkuwentuhan, at syempre kumain. Ito ang pinakasukdulang araw ng bakasyong tag-araw sa Italia. At ang kanilang bakasyon, hindi lang isang araw kundi maaaring isang semana hanggang isang buwan, depende sa uri ng trabaho. Merong nakakapili kung aling buwan ng taon, pero karamihan ay tuwing Hulyo at Agosto kaya ang kalsada patungo sa mga lugar bakasyunan ay napupuno ng sasakyan. Taon-taon ay ganito. Taon-taon ay maririnig ang reklamo sa tindi ng init, sa trapik sa highway, sa mataas na presyo ng gasolina at lahat ng bilihin, atpb. At kapag nalalapit na ang panahong ito, o di kaya ay katatapos lang, hindi maiiwasang mapag-usapan ang mga karanasan ng Ferragosto.

Merong nagbabakasyon sa tuktok ng Dolomites, nagha-hiking sa gubat ng Abruzzo, sumisid sa dagat ng Sardinia, nagpaaraw sa Capri, at sa Lipari, namamasyal sa Agrigento, sa Venice, sa Ferrara, Cinqueterra. Meron ding nanatili sa syudad at pinipiling bisitahin ang mga museo at mga piyesta ng maliliit na bayan. Meron ding sinasamantala ang low-cost na eroplano at hotel at nagsisitungo sa ibang bansa. At meron ding nananatili sa bahay. Kinakalas ang mga gamit sa sala upang maglagay ng parlor stove para sa darating na tag-lamig, upang mapinturaha ding muli ang kisameng minantsahan nang pumasok ang ulan sa nabutas na bubong, dahil wala ring pangastos tulad ng ibang pribelehiyadong Italyano. Dahil hindi rin makita ang katuturan ng ganitong pagbabakasyon gayong maaari namang magsawa sa dagat ng Pilipinas tuwing dumarating ang pagkakataon. At higit sa lahat, para maiwasang maiwan ang isa sa mga guwardiya ng bahay na makikita sa ritrato.

Saturday, 1 August 2009
Mga Bi'lang
Ka-batch pala ni Tatay si Cory, 1933. At parehong hanggang 76 gulang ang narating nila. At parehong sa petsa ng kapanganakan ni Tatay, August 21 binaril si Ninoy. 1983 iyon at nang 1986 naupo bilang presidente si Cory. Makalipas ang halos isang taon, noong Enero 1987 pinaulanan ng bala ng mga sundalo ng gubyerno ang mga magsasakang humihiling ng reporma sa lupa sa Mendiola. Naturingan itong Mediola Massacre kung saan 18 ang namatay. Nandun rin kaming mga estudyante na nakikiramay sa mga magsasaka. Ako ay college fresh(wo)man, 18 gulang napakabata.
Subscribe to:
Posts (Atom)