Upang malaman kung hinog na ang mga ubas at tawagin ang mga vendemmiatori, sinusukat muna ang tamis nito sa pamamagitan ng mostometro o hydrometer. Sinusukat ng instrumentobg ito ang density ng katas ng ubas sa kanyang angking temperatura. May kasamang interpretation table ang instrumentong ito na tinatawag na Brix Table (kung di ako nagkakamali). Ang hinog na ubas ay may 11° ang sukat. Ang tamis, o dami ng asukal ng katas ng ubas ay magiging alkohol kapag dumaan sa proseso ng fermentation. Kung gayon, ang tamis ang siyang unang batayan kung ano ang inaasahang kalidad ng vino(alak).
Nagsimula kami ng vendemmia halos kalahatian na ng Oktobre, huli’ na sa karaniwan. May ilang nagsasabing hindi raw angkop ang ubas sa lugar namin. Ang mga kaibigang nakatira sa malapit ay nag-aalala, “Bakit hindi pa nag-aani?! Hindi na yan mahihinog! Malamig na! Kahit patagalin pa hanggang pasko, hindi na yan mahihinog! Delikado na ang panahon, uulan na! Dapat olives na lang ang tinanim!” At kung ano-ano pang pag-aalala. Naalala ko tuloy ang mga magsasaka sa atin, ganito rin ang reaksyon kapag mayroon sa kanilang kalapit na hindi sumasabay o hindi pumapareho sa gawain ng karamihan. Huli' nga kami sa karamihan, dahil hindi pa sapat ang tamis ng ubas, ba't nga naman pipiliting anihin ang hilaw?
Huli’ man ang simula ng aming pagbe-vendemmia, tamang tama namang natapos kami bago dumating ang ulan. Ang buwan ng Oktobre ay totoo ngang pabagobago ang panahon; maaaring lumamig nang bigla o umulan ng ilang araw, tulad nga ng nararanasan namin ngayong araw habang ako ay nagsusulat.
Ang gawain ng nag-aani ay gupitin ang mga grappolo ng ubas at ilalagak ito sa isang kaha. Ang napunong kaha ay iiwan sa pila ng mga ubas at ito ay isasalin naman sa trailer ng traktora na siyang maghahatid sa pagawaan ng vino na tinatawag na tinaia o cantina. Sa lugar na ito, isasalin ng traktora ang inaning mga ubas sa isang lalagyan kung saan hinihiwalay ang mga tangkay ng ubas sa laman nito. Sasalain ang katas na siya namang isasalin sa malalaking metal container. Sa container na ito maya’t-maya susukatin ng tamis ng katas dahil sadyang magpe-ferment (o aasim) at iinit ito. May batayang mga sukat ang vinologo at mga katulong niya. Di magtatagal, ang katas sa container ay isasalin sa mga barik na kahoy (barrel). Ang bata pa o bagong vino ay maaari nang inumin sa primavera (spring) o makalipas ang humigit kumulang anim na buwan. May ilang uri ng vino na pinatatanda muna bago isalin sa mga bote, batay na rin sa inaakalang magiging kalidad nito. Ang edad, lalagyan at kapaligiran ay maaari pa ring magtalaga sa magiging kalidad ng vino habang ito ay nasa cantina.
Ang pinakamaraming uri ng ubas na aming inani ay sangiovese at cabernet. May kaunti ring lancelotto at cannaiolo. Ang bawat zona sa Italia ay may kanikaniyang uri ng ubas na dapat itanim kung nais nitong sumunod sa mga batas ng produksyon ng vino. Ito ay batay din sa akmang klima ng lugar. Marahil ay aabutin ng libo ang uri ng vino na ginagawa sa Italia.
Magkano ang isang bote (0.75litro) ng red wine? Depende sa maraming batayan. Ang pinakamurang mabibili sa isang karaniwang supermarket na nakita ko ay mga 5euro at ang pinakamahal naman ay maaaring umabot kahit 40 euro. Dito sa hasyenda, ang pinakamurang uri ay 12 euro ang isang bote.

Wow! You are doing Viticulture and Enology! Where did you learn to do these things? Dapat maghanap ka ng trabaho dito sa California pag natapos ka na sa Italy. I wish I could come and train with you before you leave. :)
ReplyDeleteOw, Helen, I only know 1% of viticulture and enology. Nahanginan lang ako!! In fact, meron akong correction:
ReplyDelete-ang fresh wine bata/new wine) ay maaari nang inumin agad-agad, hindi na kailangan pang hintayin ang spring. Dahil "bata" pa ito kadalasan ay medyo mapakla ang kanyang lasa.
Mah, California, why not, but for now, my next life chapter is set in the Philippines.
Italy is a must destination for you. I'm sure mag-eenjoy ka dito, pero paalis na ako e:(